Ang Karlsruhe Institute of Technology (KIT) (Aleman: Karlsruher Institut für Technologie) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik at isa sa mga pinakamalaking institusyon pangreserch at pang-edukasyon sa Alemanya. Ang KIT ay nilikha noong 2009, nang ang Unibersidad ng Karlsruhe (Universitat Karlsruhe), na itinatag noong 1825 bilang isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na kilala rin bilang "Fridericiana", ay sinanib sa Karlsruhe Research Center Forschungszentrum Karlsruhe, na orihinal na itinatag bilang isang pambansang sentro para sa pananaliksik nuklear (Kernforschungszentrum Karlsruhe, o KfK) noong 1956.[1]
Ang KIT ay isa sa mga nangungunang unibersidad sa inhinyeriya at likas na agham sa Europa, niraranggo itong ikaanim sa pangkalahatang sa base sa "citation impact".[2] Ang KIT ay isang miyembro ng TU9 [3] German Institutes of Technology e.V. Bilang bahagi ng German Universities Excellence Initiative, ang KIT ay akreditado na may "excellence status" noong 2006. Noong 2011, sa isang pagraranggo ng pagganap ng mga siyentipikong papel, ang Karlsruhe ay nanguna sa Alemanya at kabilang sa mga nangungunang sampung unibersidad sa Europa sa inhinyeriya at likas na agham. Niraranggo ito bilang ika-26 sa buong mundo sa agham pangkompyuter ayon sa Times Higher Education.[4].
Sa 2016, 6 Nobel laureates ang konektado sa KIT. Ang Karlsruhe Institute of Technology ay kilala sa mga naprojus nitong maraming imbentor at negosyante tulad nina Heinrich Hertz, Karl Friedrich Benz, o ang mga nagtatag ng SAP SE, isang multinasyonal na korporasyon para sa software.[5]