Si Armand Jean du Plessis de Richelieu, Cardinal-Duc de Richelieu (10 Setyembre 1585 – 4 Disyembre 1642), ay isang paring Pranses, maharlika, at politiko.
Naging obispo noong 1607, pumasok siya sa politika sa kalaunan, para maging Sekretaryo ng Estado noong 1616. Tumaas sa kahanayan ng ma tao ng simbahan at estado, naging kardinal siya noong 1622, at punong-ministro ni Haring Louis XIII noong 1624. Nanatili siya sa tanggapang ito hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1642; napalitan siya ni Jules Kardinal Mazarin.
Kadalasang kilala si Kardinal ng Richelieu sa pamagat na "Hepeng Ministro" ng Hari o "Unang Ministro". Dahil dito, paminsan-minsan siyang itinuturing bilang pinakaunang Punong ministro sa mundo, ayon sa makabagong diwa ng salita.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.