Kara David

Kara David
Kapanganakan
Kara Patria David

(1973-09-12) 12 Setyembre 1973 (edad 51)
EdukasyonUniversity of the Philippines, Diliman (BA, MA)
TrabahoBroadcast journalist
Television host
Aktibong taon1997–kasalukuyan
Kilalang krediti-Witness (2002–present)
News to Go (2012–present)
Power House (2013)
MagulangRandy David (ama)
Karina Constantino-David (ina)
Websitehttp://karapatria.com/

Si Kara Patria David (ipinanganak 12 Setyembre 1973) ay isang Pilipinong tagapag-ulat at host sa telebisyon.

Unang yugto ng buhay

Ipinanganak si Kara David bilang Kara Patria Constantino David noong Setyembre 12, 1973 kina Randy David at Karina Constantino.[1][2][3]

Nakatapos siya bilang cum laude sa kursong komunikasyong pangmasa (Ingles: mass communications) sa Unibersidad ng Pilipinas.[1][4]

Manunulat at dokumentarista

Nagsimula si Kara David sa GMA News and Public Affairs bilang katulong sa produksyon at mananaliksik.[1][4] Si John Manalastas ang nagsanay sa kanya kung paano magsulat sa telebisyon nang libre.[4]

Naging manunulat ng mga programang Brigada Siete at Emergency si Kara David.[4]

Adbokasiya

Itinatag ni Kara David ang Project Malasakit noong 2002.[5]

Parangal na natanggap

Noong 2023 sa ika-35 Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards para sa Telebisyon ay ginawaran si Kara David bilang pinakamahusay na host ng programang pang-edukasyon para sa kanyang programang PinasSarap at pinakamahusay na programang dokumentaryo para sa kanyang programang i-Witness: The GMA Documentaries.[3]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Jimeno, Jaileen (2022-08-07). "Kara David's journey: On cam, off track, then back in control". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. Hilario, Abbygael (September 19, 2022). "Kara David celebrates birthday through an outreach mission". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 Regidor, Anna (2023-02-06). "CMC prof takes home 2 PMPC awards". University of the Philippines Diliman. Nakuha noong 2024-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Quieta, Racquel. "Kara David: The Art and Heart of Storytelling". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. "About Malasakit". Project Malasakit (sa wikang Ingles). 2020-05-18. Nakuha noong 2024-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)