Ang kapuluan ay nakilala noong ika-16 na siglo sa Europa bilang "kapuluan ng mga pampalasa" (Kastila: La Especiería; Portugés: Ilhas das Especiarias). Kung sa mga Kastila at Portugés, ay Portugés ang nakaaalam noon ng kinaroroonan ng kapuluang ito. Ninais madaig ng kaharian ng Kastila ang Portugal sa kalakalan ng mga pampalasa sa Europa upang ang kalakalan ay mapagmulan nila ng yaman.
Matapos maipagtabuyan ng Portugal ang pakiusap ng manlalayag na si Fernando de Magallanes patungkol sa kapuluan ng Maluku ay iminungkahi niya sa Haring Carlos II ng España na hahanapin niya ang kapuluan at ang babagtasing daan ay pakanluran ng Europa. Nakarating ang kanyang samahan lulan ng mga panlakbay na bangka sa mga kapuluan ng Guam at ng tinatawag ngayong Pilipinas. Siya ay napatay sa labanan sa Mactan at hindi na nakaabot pa sa pagkahanap sa Maluku at, sa makatuwid, sa pagbalik sa España.
Panahon ng mga pananakop mula Europa
Patungkol sa pananaw ng mga taga-kapuluang Pilipinas sa kapuluang Maluku noong panahon ng pananakop mula Europa ay mapag-aalamang matapos maagaw ng mga Kastila ang ilang mahahalagang bayan sa Luzon ay noong taóng 1610, tinawag ng Tagalog na manunulat na si Tomás Pinpin ang kapuluan na "Maloco" (Maluku) at hindi "Molucas" na katawagan ng mga Kastila. Binanggit niya rin ang pagsama ng ilang Tagalog at Kapampangan sa mga Kastila patungo sa kapuluang iyon. Ito ay isinaysay niya sa kanyang "Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila".
Di baquin ang mga tauong tagalog at ang mga capangpangang mangagsisama sa manga Castila doon sa Maloco, di ang caralamhatian nang canilang loob, sa uala silang casamang Padreng sucat nilang pagcompisalang marunong magtagalog.