Kapre

Sa kuwentong bayan sa Pilipinas, ang kapre ay isang nilalang na maaring isalarawan bilang isang higanteng nasa puno, na may kataasan (7 hanggang 9 talampakan), maitim, mabalahibo,[1] at maskulado. Sinasabing na mayroong napakatapang na amoy ang mga kapre at nakaupo sila sa mga sanga ng puno upang manabako.[2]

Pinagmulan

Detalye ng Carta Hydrographica y Chorographica de la Yslas Filipinas (1734) ni Pedro Murillo Velarde na pinapakita ang mga alipin na binili mula sa Silangang Aprika, kaladasan ng mga Portuges, na binibenta sa Maynila bilang "Cafres"

Nagmula ang katawagang kapre mula sa Arabeng kafir (Kastila: cafre),[3] na nangangahulagang isang taong hindi naniniwala (karaniwang tumutukoy sa mga ateista/idolista). Sa kalaunan, dinala ang katawagan sa Pilipinas ng mga Kastila, na mayroong nakraang pakikipag-ugnayan sa mga Moro, na ginamit nila upang isalarawan ang mga katutubong pangkat-etniko na Negrito na may maitim na balat at may katangiang katulad sa mga Aprikanong Itim. Maliwanag din ito sa katotohanan na ang kasingkahulugan para sa kapre ay agtà, ang isa pang pangalan para sa mga Aeta. Ang makabagong mitikong paglalarawan ng kapre ay nagbago mula sa mga dating rasismong paglalarawan ng mga Negrito ng mga na-Kristiyanong kapatagan na pangkat-etniko sa Pilipinas noong panahon ng Kastila.[3]

Ginagamit din ang katawagang cafre ng mga aliping Papua na dinala sa Pilipinas ng mga Portuges bago binuwag ng mga Kastila ang pagkaalipin.[4]

Mga sanggunian

  1. Jocano, F. Landa (1983). The Hiligaynon: An Ethnography of Family and Community Life in Western Bisayas Region (sa wikang Ingles). Asian Center, University of the Philippines. p. 254. Nakuha noong 23 Mayo 2017.
  2. "Kapre (The Tree Giant)". PHILIPPINE TALES | Anthology of Philippine Mythology and Folklore (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-02-17.[patay na link]
  3. 3.0 3.1 Michael L. Tan (2008). Revisiting Usog, Pasma, Kulam (sa wikang Ingles). UP Press. p. 66. ISBN 9789715425704.
  4. Blumentritt, Ferdinand (1890). List of the native tribes of the Philippines and of the languages spoken by them. By Prof. Ferdinand Blumentritt (sa wikang Ingles).