May problema sa pakikinig ng file na ito? Maaaring tingnan ang tulong sa midya.
Ang Dingding o Pader ng Paghagulgol o Kanluraning Dingding o Wailing Wall (hango sa Hebreo: הַכּוֹתֶל הַמַּעֲרָבִי, romanisado: HaKotel HaMa'aravi, lit. 'ang kanluraning dingding',[1] at pinaikling ang Kotel o Kosel) at kilala sa Islam bilang Dingding na Buraq (Arabic: Ḥā'iṭ al-Burāq حَائِط ٱلْبُرَاق bigkas sa Arabe: ['ħaːʔɪtˤ albʊ'raːq]),[2] ay isang dingding o pader na batong apog na matatagpuan sa Lumang Lungsod ng Herusalem. Ito ay isang maliit na segmeto ng mas mahabang sinaunang dingding na pagpapanatili at kilala sa kabuuan bilang ang "Kanluraning Dingding".[3] Ang dingding ay orihinal na tinayo bilang bahagi ng pagpapalawig ng Ikalawang Templo sa Herusalem ni Dakilang Herodes.[4]