Sa anatomiya ng tao, ang mga kalamnang aduktor ng balakang o mga aduktor ng balakang (Ingles: adductor muscles of the hip, hip adductors, groin) ay isang pangkat ng mga kalamnan ng hita na nagsasagawa ng aduksiyon ng hita. Ang mga ito ay nasa loob ng hita at karaniwang tinatawag na singit o groin sa Ingles.[1] Sa pagkilos, kapag nakatuwid ang binti, ang mga masel na ito ang nagpapahintulot na muling mahilang pabalik papunta sa katawan ang binti; ang galaw na ito ang tinatawag na aduksiyon ng balakang o hip adduction sa Ingles.[1]
Mga masel
Ang pangkat ng mga aduktor ay binubuo ng mga sumusunod:
Pinagmumulan at pagsisingit
Ang mga aduktor ay nagsisimula sa ibabaw ng mga butong pubis at ischium at sumusingit o sumusuot sa panggitnang panlikurang ibabaw ng ibabaw o kapatagan ng femur.
Inerbasyon
Ang nerbiyo nito ay nagmumula sa nerbiyong obturador[2] maliban sa isang maliit na bahagi ng adductor magnus, na ang inerbasyon ay mula sa nerbiyong tibial.
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Campbell, Adam. The Men'sHealth Big Book of Exercises, Meet Your Muscles, Quads & Calves, Hip Adductors, Kabanata 8, Rodale, New York, 2009, pahina 189.
- ↑ 2.0 2.1 Platzer, Werner (2004), " Color Atlas of Human Anatomy, Vol. 1, Locomotor System, Thieme, ika-5 edisyon, pahina 240