Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan
Ang isang Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan (Ingles: Public Health Emergency of International Concern[1]) ay isang pormal na pagpapahayag ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ng "isang pambihirang kaganapan na pinagpapasiyahan na maging isang panganib sa kalusugan ng publiko sa mga ibang Estado sa pamamagitan ng pandaigdigang pagkalat ng sakit at potensyal na mangangailangan ng isang magkakatugmang pandaigdigang tugon", na nabubuo kapag lumilitaw ang isang sitwasyon na "malubha, biglaan, pambihira o di-inaasahan", na " nagdadala ng mga implikasyon para sa pampublikong kalusugan na lampas pa sa pambansang hangganan ng apektadong estado" at "maaaring mangailangan ng agarang pandaigdigang kilos".[2] Sa ilalim ng Pandaigdagang Regulasyong Pangkalusugan (International Health Regulations o IHR) ng 2005, ang mga estado ay may ligal na tungkulin na tumugon kaagad kapag may PHEIC.[3] Isinasapubliko ang deklarasyon ng isang Komite Pang-emerhensiya (Emergency Committee o EC) ng mga pandaigdigang dalubhasa na kumikilos sa ilalim ng IHR, na binuo kasunod ng pagkalat ng SARS noong 2002–03.[4]
Awtomatikong kinakategorya ang SARS, bulutong, wild typepoliomyelitis, at anumang bagong subtype ng influenzang pantao bilang PHEIC at sa gayon ay hindi nangangailangan ng pasiya ng IHR na magdeklara nito.[9] Hindi limitado ang isang PHEIC sa mga nakahahawang sakit, at maaaring sumaklaw ng isang kagipitan na dulot ng pagkakalantad sa isang kemikal na sangkap o radyoaktibong materyal.[10] Sa anumang kaso sa loob ng saklaw nito, ito ay isang "panawagang kumilos" at "kahuli-hulihang" paraan.[11]
↑Mark A. Hall; David Orentlicher; Mary Anne Bobinski; Nicholas Bagley; I. Glenn Cohen (2018). "8. Public Health Law". Health Care Law and Ethics (ika-9th (na) edisyon). New York: Wolters Kluwer. p. 908. ISBN978-1-4548-8180-3.