Ang K-On! (Hapones: けいおん!,Hepburn: Keion!) ay isang Hapones na manga na isang uri ng apat na entrepanyo ng comic strip na isinulat at inilustra ng Kakifly. Inuran ang manga sa gawa ng Houbunsha na isang magasing seinen manga na Manga Time Kirara sa pagitan ng Mayo 2007 at Oktubre 2010 na babasahin. Ininuran din ito sa isa pang magasin ng Houbunsha na Manga Time Kirara Carat. Ipinalabas naman ang isang adapsiyong anime na binubuo ng 13 episodyo ng Kyoto Animation na ipinalabas sa Hapon sa pagitan ng Abril hanggang Hunyo 2009. Isang pagdaragdag ng episodyo na isang orihinal na bidyo ng animasyon ang ipinalabas noong Enero 2010. Ang ikalawang panahon na binubuo ng 26 na episodyo, na may pamagat na K-On!! (na may dalawang tandang padamdam), ang ipinalabas sa Hapon sa pagitan ng Abril at Setyembre 2010. Inanunsiyo naman ang isang pelikulang adapsiyong anime. Nagmula ang pamagat ng istorya sa isang Hapones na salita na may kahulugan sa tagalog na magaan na musika, keiongaku (軽音楽), subalit sa mga kontekstong Hapones ay may kahulugang musikang pop[1].