Si Judy Garland (10 Hunyo 1922 – 22 Hunyo 1969), Frances Ethel Gumm sa tunay na buhay, ay isang Amerikanangaktres at mang-aawit.[2]
Gumanap siya sa mahigit sa apatnapung mga pelikula mula 1929 hanggang 1967 at naging artista sa maraming palabas sa entablado at telebisyon.[3] Iginagalang dahil sa kanyang bersatilidad, inihanay siya ng instituto ng pelikula sa Amerika bilang pang-walo na dakilang bituin sa pelikula sa lahat ng panahon.[4]
Talambuhay
Si Judy Garland ay ipinanganak noong 10 Hunyo 1922 sa Grand Rapids, Minnesota, Estados Unidos. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Naghahanapbuhay ang kaniyang mga magulang bilang mga aktor ng bodabil. Nakilala si Frances at ang kanyang mga kapatid bilang "The Gumm Sisters" nang lumipat ang pamilya sa Lancaster, California noong Hunyo 1926.
Kinontrata si Garland ng Metro-Goldwyn-Mayer (MGM) noong 1935. Isang taon ang lumipas bago lumabas ang kanyang unang pelikula sa MGM, ang Every Sunday (1936). Noong 1937, habang ipinagdiriwang ng estudyo ang kaarawan ng aktor na si Clark Gable, inawit ni Garland ang awiting "You Made Me Love You (I Didn't Want to Do It)." Ang awiting ito ay nakakuha ng papuri. Dahil dito, isinama ang awitin sa pelikulang Broadway Melody of 1938 (1937).
Umalis si Garland sa MGM noong 1950. Nanomina siya sa Oscar sa kanyang pagganap bilang Esther Blodgett/Vicki Lester sa A Star is Born (1954) at Irene Wallner sa Judgment at Nuremberg (1961). Nang bumagal na ang kanyang karera sa paggawa ng pelikula, pinasok ni Garland ang telebisyon bilang isang host. Naging host siya ng The Judy Garland Show mula 1963 hanggang 1964.
Namatay si Garland noong 22 Hunyo 1969 sanhi ng sobrang pag-gamit sa droga (accidental drug overdose).[8] Si Garland ay may tatlong anak: Liza Minnelli, Lorna Luft, at Joey Luft.