Juana Manuela Gorriti

Juana Manuela Gorriti
Unang Ginang ng Bolivia
Posisyon
6 Disyembre 1848 – 15 Agosto 1855
Pangulo Manuel Isidoro Belzu
Naunahan ni Mercedes Coll
Nagtagumpay ni Edelmira Belzu
Personal na detalye
Ipinanganak Juana Manuela Gorriti Zuviría
Hulyo 16, 1816
sa Harcones, Provincia de Salta, Argentina.
Namatay 6 Nobyembre 1892 ( edad 74)
Buenos Aires, Arhentina
Asawa Manuel Isidoro Belzu
Mga Anak Edelmira Belzu
Mercedes Belzu de Dorado
Mga Magulang José Ignacio Gorriti
Feleciana Zuviría
Trabaho Manunulat

Si Juana Manuela Gorriti (Hulyo 15, 1818 - Nobyembre 6, 1892) [1]ay isang manunulat ng Argentina na may malawak na mga kaugnayan sa pulitika at panitikan ng Bolivia at Peru. Siya ay naging unang ginang ng Bolivia mula 1848 hanggang 1855.

Sa pagkakapublish ng La quena, naging unang nobelista si Gorriti ng kasalukuyang Argentina.[2] Sa La quena, nilabanan ni Gorriti ang ideya ng kahirapan, kamangmangan, tiraniya, at pagpapahirap sa mga kababaihan sa kanyang mga sulat. Ang dedikasyon ni Gorriti sa mga isyu ng kababaihan ay nakapagpukaw ng interes sa kanya ng mga kababaihan at kalalakihan, kabilang si Abel Delgado. Ang kanyang sanaysay na 'La educación social de la mujer' ("The Social Education of Woman," 1892) ay nagtalakay sa mga seksyon ng lalaki at babae at ipinagtanggol ang partisipasyon ng mga kababaihan sa batas at pulitika.[3]

Talambuhay

Si Juana Manuela Gorriti (Hulyo 15, 1818 - Nobyembre 6, 1892) ay nagmula sa isang pamilyang aktibo sa pulitika sa Arhentina. Siya ay ipinanganak sa Rosario de la Frontera, sa lalawigan ng [./Https://en.wikipedia.org/wiki/Salta Salta], sa hilagang bahagi ng Argentina.[4]Ang kanyang ama, si José Ignacio de Gorriti, ay isang bayani ng digmaang pangkalayaan ng Arhentina laban sa Espanya, isa siya sa mga pumirma sa Argentine Declaration of Independence noong Hulyo 9, 1816. Siya rin ay tagasuporta ng Unitarian faction ng pulitika sa Arhentina, kaya noong 1831, nang si Gorriti ay labing-tatlong taong gulang, nang pabagsakin ng Federalist faction ang pamahalaang Unitarian ng Arhentina, tumakas ang pamilya Gorriti patungo sa Bolivia.

Sa Bolivia, ang pamilya ni Goritti ay nanirahan [./Https://en.wikipedia.org/wiki/Tarija Tarija], dito niya nakilala ang kaniyang naging asawa na si Manuel Isidro Belzu, na isang kapitan ng Bolivian Army noong panahon na iyon. Sa huli ay naging Pangulo ng Bolivia si Belzu. Nagkaroon sila ng tatlong babaeng anak ngunit hindi masaya ang kanilang naging pagsasama kaya naghiwalay sila.

Iniwan ni Goritti si Belzu at ang kanyang mga anak. Umalis siya sa Bolivia patungong Peru, kung saan nag-umpisa ang kanyang buhay sa panitikan. Nagturo siya sa mga paaralan at sa huli ay nagtatag siya ng kaniyang sariling isang paaralan, Siya rin ay nag-wasto ng mga dyornal, at naglathala hindi lamang sa Peru kundi pati na rin sa Chile at Argentina. Habang nasa Lima, nagsimula siyang mag-host ng mga tertulias o salon, kung saan dumalo ang mga kilalang kultural at literatong personalidad ng panahon, pareho ng mga kalalakihan at kababaihan - kabilang dito sina Ricardo Palma at Manuel González Prada, Mercedes Cabello de Carbonera, Clorinda Matto de Turner, at Teresa González de Fanning. Magkakasama sila sa pagtalakay ng panitikan at pag-unlad ng lipunan, mga tema na labis na mahalaga kay Gorriti at kadalasang nakapaloob sa kanyang mga akda. At dahil si Gorriti ay isang feminista, ang tertulias o salon na ito ay isa rin sa mga nagtulak sa mga kababaihan na sumali sa intelektwal at pulitikal na buhay ng kanilang mga bansa, si Teresa González de Fanning, na nagtatag ng isang mapagpala at mapanuring kilusang pangkababaihan, ay isa sa mga dumadalo at naimpluwensyahan ni Goritti.

Sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, siya ay nagturo at nagbigay-inspirasyon sa mga kababaihan upang tumanggap ng mga papel at tungkulin na hindi karaniwang nagagampanan ng babae, gaya ng makikita sa Europa at Hilagang Amerika. Nais niyang marinig ang boses ng mga kababaihan, maging edukado, at huwag matakot na lumabag sa mga kaugaliang panlipunan. [5]

Noong 1866, binomba ng Barkong Pandigma ng Espanya ang mga daungan sa baybayin ng Peru at Chile, kabilang na ang daungan ng Lima. Si Gorriti ay nagsilbi bilang isang nurse sa labanan. Siya rin ay nagriskong iligtas ang mga nasugatan nang sumuko ang mga Espanyol sa Callao.[6] Siya rin ay nagpakatapang sa paglilikas ng mga sugatan nang sumuko ang mga Kastila sa Callao. Dahil sa kanyang kabayanihan at pagkakatulad kay Florence Nightingale, itinuturing si Gorriti bilang isang mandirigmang tagapagpalaya ng Peru, at ginawaran ng Second Star of May pamahalaan ng Peru. Sumulat siya tungkol sa mga pangyayari na ito sa maraming artikulo at maikling kuwento, na nangakalap at inilathala sa Album ng Lima na itinatag niya at ng kanyang kaibigan at kasamang manunulat na si Carolina Freyre de Jaimes. Itinatag din ni Gorriti ang pahayagan na The Dawn of Lima kasama ang kapwa niya makata na si Numa Pompilio Yona.

Noong 1878, bumalik si Gorriti sa Argentina at kahit na nagkaroon siya ng maraming skandalo sa kanyang buhay tulad ng diborsiyo, pagtatapon sa ibang bansa, at ang pagkakaroon ni Belzu ng isang anak nang hindi pa sila ikinakasal, siya pa rin ay itinuring na isang natatanging babae na nagdala ng malaking dangal sa kanyang bansa. Ang kanyang anak na si Mercedes ay nagkasakit sa Peru noong 1879, ngunit hindi makapunta si Gorriti dahil sa digmaan sa pagitan ng Chile at Peru para sa mga lalawigan ng Tanca at Arica. Namatay si Mercedes sa sumunod na taon.[7]

Matapos nito, siya ay naglaan ng nalalabi niyang buhay sa Buenos Aires (1877 - 1892), siya ay nabubuhay sa kaniyang pensyon, kaya't nagpasiya siyang huminto sa pagtatrabaho. Siya ay namatay dahil sa pulmonya sa Buenos Aires noong Nobyembre 6, 1892.

Mga Pangunahing Kontribusyong Pampanitikan

Si Gorriti ay naglathala ng mga pangunahing aklat ng koleksiyon ng kathang-isip sa Buenos Aires - ang Sueños y realidades (1865), Panoramas de la vida (1876), Misceláneas (1878), at El mundo de los recuerdos (1886) - at marami pang iba pang mga teksto, kabilang ang isang koleksyon ng mga resipe, Cocina ecléctica (1890), at autobiographical reflections, sa La tierra natal (1889) at Lo íntimo, na inilathala pagkatapos ng kanyang kamatayan.

Buhay manunulat

Si Gorriti ay isang masugid na feminista, at ito ay napatunayan sa marami niyang mga dyornal. Siya ay sumulat ng ilang maikling nobela at maraming maikling kwento. Kabilang sa kanyang mga nobela ay ang El Pozo de Yocci (The Yocci Well), isang kwento na pinagsama-sama ang teme ng pag-ibig, kwento ng multo, at Gothic horror. Ang tagpuan ng nobela ay isa pinaka-mahalagang panahon sa kasaysayan ng Republika ng Argentina, na naglalarawan sa idealistikong pagkamakabansa sa likod ng Digmaang Kasarinlan at sa kabrutalan ng mga digmaang sibil. [8] Karamihan sa kaniyang mga akda ay melodramatikong mga kuwento. And "La hija del mazorquero" at "El lucero de manantial”, ay parehong may malakas na mensaheng pulitikal laban sa Rosista. Isa pa sa mga naisulat niyang melodramatikong nobela, ang "La oasis de la vida" na isinulat niya noong 1880 bilang isang advertisement para sa isang kumpanya ng insyurans, "La Buenos Aires". Ang kuwento ay tungkol sa karaniwang "mahirap na batang ulila na hindi makapakasal sa kanyang tunay na pag-ibig", ngunit lahat ay nalutas nang malaman niya na mayroong life insurance policy ang kanyang mga magulang sa kumpanya, kaya't hindi naman pala siya lubos na mahirap. Ang nobelang ito ay nagpapakita ng bagong mas malawak na tema sa panitikan ng Argentina noong panahong iyon.Itinatag din ni Gorriti ang pahayagang The Dawn of Argentina (La Alborada Argentina) kasama ang kasamang makata na si Numa Pompilio Yona. [4] Ang kanyang hindi gaanong regular na tatlong-taong pagtira sa Lima ay nagresulta sa paglathala ng La Quena, isang maikli, ngunit makapangyarihang nobela, na kabilang sa prestihiyosong pahayagan na El Comercio. Nang sumapit ang panahon kung saan nagsimulang maging maayos ang pulitika sa Peru, nagbigay siya ng ambag sa institusyonalisasyon ng panitikang Peruano sa pamamagitan ng pagtulong sa Revista de Lima, sa mga kwentong tulad ng "El Angel Caido", "Si haces mal no esperes bien" at iba pa. [9] Ang kanyang huling pangunahing akda, La tierra natal (The Native Land), na nailathala noong 1889, ay naglalarawan ng isang paglalakbay sa hilagang Argentina, pabalik sa mga lugar kung saan siya namuhay o tumira, pati na rin ang isang pagbalik-tanaw sa kanyang mga alaala sa mga tao at pangyayari na kanyang nakilala at naranasan habang siya ay nabubuhay.

Bagama’t maaaring hindi gaanong kilala, si Juana Manuela Gorriti ay isang feministang manunulat na hindi dapat balewalain. Ang kanyang mga kwento ay tunay na makabuluhan, at hindi lamang nagpapatunay sa mga pangyayari sa panitikang Timog-Amerika ng ika-19 na siglo, kundi nakapagbibigay rin ng kasiyahan sa pagbabasa dahil sa kaniyang kagalingan sa pagpapamalas ng imahinasyon. Si Gorriti ay ang nagtatag ng Fantastikong Panitikan at Feminismo sa Latin America.

Mga Pangunahing Akda

Mga Nobela, Maikling Kuwento, at iba pang mga naisulat [10]

Mga Manahalagang Pangyayari sa Buhay

Kapanganakan 1816 Hulyo 16, 1816, sa Harcones, Provincia de Salta, Argentina.
Pagpapakasal 1831 Ikinasal siya kay Manuel Isidoro Belzú sa Bolivia.
1843 Nakipaghiwalay siya kay Belzú, at iniwan ang kaniyang mga anak
Unang Nobela 1845 Ang La Quena, the history of the Incas
1877 Siya ay nagpasiyang manirahan na sa Buenos Aires.
Kamatayan 1892 Siya ay namatay dahil sa pulmonya sa Buenos Aires noong Nobyembre 6, 1892.

Karagdagang Pagbabasa

Mga Sanggunian

  1. Berg, Mary G. "Juana Manuela Gorriti". In Diane E. Marting (ed.). Spanish American Women Writers: A Bio-Bibliographical Source Book".
  2. "Mujeres que construyeron la patria". www.cultura.gob.ar (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2023-04-12.
  3. Meachem, Susanne (March 2010). "Womens Actions, Womenâ's Words: Female Political and Cultural Responses to the Argentine State (Doctoral Dissertation)". chrome-extension://efaidnbmnnnibpcajpcglclefindmkaj/https://etheses.bham.ac.uk/id/eprint/812/3/Meachem10PhD.pdf?fbclid=IwAR3wBhzK3ITckW2yqnrY4yeGFtuYNDUv91cfT3jfBv377Mfq64vunDeNoYM: 176. {{cite journal}}: External link in |journal= (tulong)
  4. 4.0 4.1 "Autoridades - Vista completa del registro". catalogo.bn.gov.ar. Nakuha noong 2023-04-12.
  5. Frederick, Bonnie (1998). Argentine Women Writers. Arizona: SU Center for Latin American Studies Press.
  6. McMurray, George R.; Marting, Diane E. (1991). "Spanish American Women Writers: A Bio-Bibliographical Source Book". Chasqui. 20 (2): 177. doi:10.2307/29740410. ISSN 0145-8973.
  7. Born in Blood and Fire, 2nd ed, by John Charles Chasteen, W. W. Norton & Company, London, 2006.
  8. Gorriti, Juana Manuela (June 2020). The Yocci Well by Juana Manuela Gorriti, translated by Kathryn Phillips-Miles, The Clapton Press, 2020. ISBN 978-1-913693-02-2.
  9. "Juana Manuela Gorriti: Argentine writer (1816 - 1892) | Biography, Bibliography, Facts, Information, Career, Wiki, Life". peoplepill.com. Nakuha noong 2023-04-12.
  10. "Database search - Gendering Latin American Independence". www.nottingham.ac.uk. Nakuha noong 2023-04-12.