Josh radnor

Si Joshua Thomas “Josh” Radnor (ipinanganak 29 Hulyo 1974) ay isang Amerikanong aktor, produktor, direktor, at manunulat, na pinakakilala sa kanyang pagganap sa pangunahing tauhan na si Ted Mosby sa popular at Emmy Award-winning na sitcom ng CBS na How I Met Your Mother, kung saan siya ay umani ng katanyagan.

Si Radnor ay unang humarap sa publiko bilang manunulat at direktor nang kanyang gawin ang pelikulang comedy-drama na happythankyoumoreplease. Dito, siya ay nagkamit ng Sundance Film Festival Audience Award at nanomina bilang nararapat para sa Grand Jury Prize. Kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang ikalawang pelikula, pinamagatang Liberal Arts, na kanya ding sinulat at dinirekta.

Unang mga taon bago ang karera

Si Radnor ay ipinanganak sa Columbus, Ohio, anak ni Alan Radnor, isang medical malpractice lawyer, at ni Carol Radnor. Siya ay may dalawang babaeng kapatid, sina Melanie at Joanna. Siya ay lumaki sa Bexley, Ohio, isang suburb ng Columbus kung saan siya ay nag-aral sa mga Jewish day schools (kasama na dito ang Columbus Torah Academy)[1]. Si Radnor ay nag-aral sa Bexley High School at kinalaunan, sa Kenyon College kung saan ang departamento ng teatro ng kanyang paaralan ay ginawaran siya ng Paul Newman award, at nagtapos ng B.A. sa drama[2]. Natapos ni Radnor ang Masters of Fine Arts na digri sa pag-arte mula sa New York University’s Graduate Acting Program sa Tisch School of the Arts[2][3].

Karera

Itinalagang bida noong 2001 si Radnor si serye ng The WB na Off Centre ngunit ang karakter na dapat niyang gampanan ay ibinigay kay Eddie Kaye Thomas bago pa man ipalabas ang unang episodyo ng serye[4]. Noong 2002 naman ay unang lumabas sa Broadway si Radnor sa stage version ng The Graduate, sumunod kay Jason Biggs at kasabayan nina Kathleen Turner at Alicia Silverstone. Mula 2005, si Radnor ay gumaganap sa How I Met Your Mother, ang kanyang pinakamalaking papel sa kasalukuyan. Noong hulyo 2008, gumanap siya kasama si Jennifer Westfeldt sa premiere ng dulang Finks[5], na isinulat ni Joe Gilford at dinerekta ni Charlie Stratton para sa New York Stage and Film. Ang kanyang unang gawa bilang direktor ay ang pelikulang happythankyoumoreplease, kung saan siya din ang manunulat at bida[6]. Ang kanyang pangalawang pelikulang Liberal Arts, na pinagbibidahan ni Elizabeth Olsen, ay nasa preproduction pa lamang at ilalabas sa 2012[7].

Personal na buhay

Si Radnor ay kasalukuyang nakatira sa Los Angeles, California.

Si Radnor ay nagsimulang maugnay sa aktres na si Lindsay Price noong Agosto 2008; Una silang nagkita isa’t kalahating taon ang nakalipas nang maging panauhin si Price sa How I Met Your Mother[8]. Ang dalawa ay naghiwalay noong Nobyembre 2009[9].

Mga pagganap sa pelikula, telebisyon at teatro

Pelikula
Taon Titulo Ginampanan Puna
1998 Barney's Great Adventure "Waiter"/"Dancing Waiter
2001 Not Another Teen Movie "Tour Guide"/"Teddy Bear
2004 Everyday Life Husband Pelikulang pantelebisyon
2010 happythankyoumoreplease Sam Siya din ang direktor at manunulat
2012 Liberal Arts Jesse Fisher post-production, siya din ang manunulat at direktor
Telebisyon
Taon Titulo Ginampanan Puna
2000 Welcome to New York Doug Episodyo: "The Crier"
2002 Law & Order Robert Kitson Episodyo: "Access Nation"
2002 The Court Dylan Hirsch Episodyo: "Life Sentence"
Episodyo: "Due Process"
Episodyo: "Stay"
2003 ER Keith Episodyo: "The Advocate"
2003 Six Feet Under Will Jaffe Episodyo: "The Trap"
2003 Miss Match Andrew Episodyo: "I Got You Babe"
2005 Judging Amy Justin Barr Episodyo: "Too Little, Too Late"
2005 - How I Met Your Mother Ted Mosby Pangunahing Bida, 154 episodyo
2007 Family Guy Ted Mosby Episodyo: "No Chris Left Behind"
Teatro
Taon Titulo Ginampanan Puna
2002 "The Graduate" Benjamin Braddock Pamalit (11 Hunyo 2002 - 18 Agosto 2002)[10]
2004 "The Paris Letter" Sam Arlen/ Young Sandy
2011 "She Loves Me" Georg Nowack [10]

References

  1. Spence, Rebecca (2008-03-12). "Radnor: Not Your Average TV Star". The Jewish Daily Forward. Nakuha noong 2008-03-13.
  2. 2.0 2.1 "Josh Radnor: How I Met Your Mother on CBS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-03. Nakuha noong 2012-04-16.
  3. "NYU Graduate Acting Alumni". 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-05-16. Nakuha noong 2011-12-01.
  4. "Josh Radnor Trivia — Josh Radnor Facts — Josh Radnor Notes". Tv.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-17. Nakuha noong 2009-09-19.
  5. Cotter, James (2008-07-26). "article". Times Herald. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-02. Nakuha noong 2021-08-05.
  6. Angelo, Megan. "How I Met Your City, the Real One," The New York Times, Sunday, February 27, 2011.
  7. Kit, Borys (2011-03-23). "Josh Radnor, Elizabeth Olsen Teaming for Indie 'Liberal Arts' (Exclusive)". The Holiday Reporter. Nakuha noong 23 April 2011.
  8. "Josh Radnor and Lindsay Price Go Public with Romance". People. 2009-06-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-21. Nakuha noong 2012-04-16.
  9. "Lindsay Price and Josh Radnor Split". People. 2009-11-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-28. Nakuha noong 2012-04-16.
  10. 10.0 10.1 "Josh Radnor". Internet Broadway Database. Nakuha noong 11 January 2012.