Jorge Bocobo |
---|
|
Kapanganakan | Jorge Cleofas Bocobo 19 Oktubre 1886(1886-10-19)
|
---|
Kamatayan | 23 Hulyo 1965(1965-07-23) (edad 78) |
---|
Nasyonalidad | Pilipino |
---|
Trabaho | Manunulat |
---|
Asawa | Felicia Zialcita De Castro |
---|
Anak | 7 |
---|
Si Jorge Cleofas Bocobo (Oktubre 19, 1886 – Hulyo 23, 1965) ay isang magaling na Pilipinong manunulat sa wikang Ingles. Siya ay nakasulat ng maraming talumpati, artikulo at mga aklat sa Batas.
Mahusay siyang sumulat ng sanaysay. Ang halimbawa ng mga sanaysay na kanyang nasulat ay A Vision of Beauty, Filipino Contact with America, at College Uneducation.
Bukod sa pagiging magaling na manunulat, si Bocobo ay isa ring iginagalang na edukador. Naging Pangulo siya ng Unibersidad ng Pilipinas at naging miyembro ng gabinete ni Pangulong Manuel L. Quezon.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.