Si Kim Ji-soo (Koreano: 김지수, ipinanganak Enero 3, 1995), mas kilala bilang Jisoo (Koreano: 지수), ay aktres at mang-aawit na mula sa Timog Korea. Siya rin ay miyembro ng grupong Black Pink.[3] Sinasabing siya ang pinaka kapansin-pansin sa mga kasapi ng Black Pink dahil nakakahawig niya si Dara ng 2NE1.[4]
Talambuhay
1995-2015: Kamusmusan at mga unang pagsabak sa karera
Si Kim Ji-soo ay ipinanganak noong Enero 3, 1995 sa Gunpo, Gyeonggi-do, Timog Korea.[5] Siya ay may dalawang nakatatandang kapatid na lalaki at babae.[6][7] Siya ay naging isang trainee sa ilalim ng YG Entertainment noong 2011 sa edad na 16 taong gulang.[8]
Ipinakilala siya ng YG entertainment sa publiko sa pamamagitan ng kanyang teaser na litarto noong 2012 at muli noong 2013. Siya ay nagsiwalat bilang bahagi ng panghuling line-up sa 2016.[9]
Pumasok siya sa grupong Blackpink noong Hunyo 15, 2016. Bago nito, lumabas na siya sa ilang mga musikang bidyo kasama ang mga mang-aawit sa YG Entertainment. Nagtrabaho din siya bilang modelo sa ilang mga tatak at may natatanging paglabas sa seryeng pantelebisyon na The Producers.[4]
Noong Pebrero 1, 2017, ipinapahayag ng SBS na si Jisoo ang bagong MC (nagtatanghal ng palabas) para sa Inkigayo, kasama si Jinyoung ng GOT7 at Doyoung ng NCT.[10][11]