Si James Melvin "Jimmie" Lunceford[1] (Hunyo 6, 1902–Hulyo 12, 1947) ay isang Amerikanong negrong saksoponista na pang-altong jazz, at pinuno ng banda noong kapanahunan ng tugtuging swing.
Talambuhay
Isinilang si Lunceford sa Fulton, Mississippi[1], subalit nag-aral sa Denver, Colorado, at nagkamit ng degring[2] Batsilerya ng Sining mula sa Pamantasang Fisk. Nag-aral siya ng musika sa ilalim ng pagtuturo ni Wilberforce J. Whiteman, na ama ni Paul Whiteman. Nagsimula siya sa larangan ng pamumuno ng banda noong 1927. Isa sa mga kakaunting bandang pang-orkestra ang kaniyang grupo noong mga 1930 na nagkaroon ng kahalagahan. Nagkaroon ng impluwensiya ang kaniyang mga tugtugin, karamihan kay Sy Oliver, sa iba pang mga bandang musikero.[1]
Diskograpiya
Mga piling tugtugin ni Lunceford:
- Jazznocracy (1934)
- Rose Room (1934)
- Runnin' wild (1935)
- My blue heaven (1935)
- Organ grinders' swing (1936)
- For dancers only (1937)
- Hell's bell (1937)
- Margie (1938)
- Tain't what you do (1939)
- White Heat (1939)
- Lunceford Special (1939)
- Yard Dog mazurka (1941)
- Blues in the night (1941)
Sanggunian
Mga panlabas na kawing
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.