Jamshid

Si Jamshid (Persa: جمشید‎, Jamshīd) (Middle- and New Persian: جم, Jam) (Avestan: Yima) ay isang pigurang mitolohikal ng kultura at tradisyon ng Mas Dakilang Iran. Sa isang tradisyon at alamat, si Jamshid ay inilalarawan ang ikaapat at pinakadakilang hari ng Dinastiyang Pishdadian bago ang Dinastiyang Kayanian. Ito ay may alusyon sa kasulatan ng Zoroastrianismo (e.g. Yasht 19, Vendidad 2) kung saan ang pigura ay lumilitaw sa Wikang Avestan bilang Avestan language Yima (-Kshaeta) " (radiant) Yima," kung saan ang 'Jamshid' ay hinango.

Sa kasulatan

Sa ikalawang kabanata ng Vendidad ng Avesta, ang omnisiyenteng Manlilikhang si Ahura Mazda ay humiling kay Yima na isang mabuting pastol na tanggapin ang kanyang batas at dalhin ito sa mga tao. Gayunpaman, si Yima ay tumanggi kaya siya ay inatasan ng ibang misyon na pamahalaan at pagyabungin ang daigdig upang makita na ang mga buhay na bagay ay yumayabong. Ito ay tinanggap ni Yima at siya ay pinagkalooban ng isang selyong ginto at isang balaraw na napapalamutian ng ginto. Si Yima ay naghari sa loob ng 300 taon at sa sandalign pagkatapos nito ay ang daigdig ay napuno ng mga tao, mga ibon at mga hayop. Kanyang pinigal ang mga daevas na mga lingkod na demoniko ng masamang si Ahriman ng kayaman, mga hayop at reputasyon sa kanyang paghahari. Gayunpaman, ang mga mabuting tao ay nabuhay ng sagana at hindi nagkasakit o tumanda.

Ang Ama at anak ay sabay na naglakad na ang bawat isa ay lumnilitaw na hindi mas matanda sa labinglima. Siya ay minsang pang binista ni Ahura Mazda na nagbababala s akanya sa overpopulasyon na ito. Si Yima na nagliliwanag ng liwanag ay humarap ng patimog at idiniin ang selyong ginintuan sa daigdig na nagbubutas ng isang poniard na nagsasabing "O Spenta Armaiti, mabati mong buksan at hatakin ang iyong sarili ng malayo upang manganak ng mga hayop at mga tao". Ang daigdig ay lumawak at si Yima ay naghari pa ng 600 taon bago ang parehong problema ay muling nangyari. Minsan pa, kanyang idiniin ang kanyang selyo at balaraw sa daigdig at hiniling sa lupa na lumaki upang manganak ng mas maraming mga tao at hayop at ang daigdig ay lumaki muli. Pagkatapos ng 900 taon, ang daigdig ay napunong muli. Ang parehong solusyon ay ginamit at ang mundo ay lumaking muli. Ang sumunod na bahagi ng kuwento ay nagsasaad ng isang pagtatagpo nina Ahura Mazda at ang mga Yazata sa Airyanem Vaejah na una sa mga "sakdal na lupain".

Si Yima ay dumalo kasama ng isang pangkat ng "mga mahuhusay na mga mortal" kung saan ay binalaan siya ni Ahura Mazda ng isang nalalapit na sakuna: "O kanais na is na Yima, anak ni Vivaŋhat! Sa materyal na daigdig ang masamang taglamig ay babagsak na magdadala ng malala at nakamamatay na yelo; sa materyal na daigdig, ang mga masamang taglamig ay babagsak na na gagawa sa mga niyebeng bumagsak ng makapal kahit sa malalim na arədvi sa mga pinakamataas na tuktok na kabundukan".

Inutusan ni Ahura Mazda si Yima na magtayo ng isang Vara(Avestan: nakasarang lalagyan) sa anyo ng isang maraming lebel na kweba sa ilalim ng lupa na may habang 2 milya (3 km) at may lawak na 2 milya (3 km). Ito ay kanyang pupunuan ng mga pinakamahusay na lalake at babae at nang dalawa ng bawat hayop, ibon at halaman at magsuplay ng pagkain at tubig na natipon sa nakaraang tag-init. Si Yima ay lumika ng Vara sa pamamagitan ng pagdurog ng daigdig sa apak ng kanyang paa at hinugis ito sa anyong na ginagawa ng magpapalayok sa putik. Siya ay lumikha ng mga kalye at mga gusali at nagdala ng halos 2,000 mga tao upang tumira dito. Siya ay lumikha ng isang artipisyal na liwanag at sa huli ay sinara ang Vara ng isang ginintuang singsing.

Relihiyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.