Bagaman namuhay siya bilang isang taong nasa hustong gulang na sa labas ng Irland, matatag na nakaugat ang unibersong sikolohikal at pangkathang-isip sa kanyang katutubong Dublin, ang lungsod na naglunsad ng mga tagpuan at karamihan sa mga paksa ng kanyang mga kathang-isip na sulatin. Partikular na rito ang kanyang ugnayan sa Irlandes na Simbahang Romano Katoliko na nagpapakita ng katulad na pangloob ng pakikipagtunggali sa kanyang Stephen Dedalus. Bilang kinalabasan ng kanyang maliit na pagtuon sa isang personal na pook at sa kanyang paglisan na siya rin ang gumawa at ng impluwensiya niya sa Europa, natatangi na sa Paris, naging isa si Joyce sa pinaka kosmopolitano ngunit pinaka nakatuon sa isang rehiyon kung ihahambing sa lahat ng iba pang mga manunulat sa wikang Ingles noong kanyang kapanahunan.[5]
↑McCourt, John (2001). The Years of Bloom: James Joyce in Trieste, 1904-1920. The Lilliput Press. ISBN1901866718. {{cite book}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)