Si Leonard James Callaghan, Baron Callaghan of Cardiff, KG, PC (27 Marso 1912 – 26 Marso 2005) ay isang politiko ng Labour Party (UK) na naging Punong Ministro ng United Kingdom mula 1976 hanggang 1979 at Lider ng partidong Labour mula 1976 hanggang 1980. Si Callaghan hanggang ngayon ang tanging politiko sa kasaysayan ng United Kingdom na nagsilbi sa lahat ng apat na "Mga Dakilang Opisina ng Estado". Siya ay nagsilbing Kansilyer ng Exchequer mula 1964 hanggang 1967, Kalihimn ng Tahanan mula 1967 hanggang 1970, at Kalihim Pandayuhan mula 1974 hanggang sa kanyang pagkakahirang bilang Punong Ministro noong 1976.
Mga sanggunian