Jack-o'-lantern

Si Jack-o'-lantern, kilala rin bilang Jack o' the lantern at Jack-with-the-lantern (Jack na may lampara), ay isang emblema o sagisag ng Halloween, ang gabi ng bisperas ng Undas (bisperas ng Araw ng mga Patay o gabi ng pangangaluluwa). Yari ito sa malaki at malapad na kalabasa o kaya singkamas na inalisan ng laman. Bukod sa pagtatanggal ng laman, binutasan dito ito upang magkaroon ng mukha at nilalagyan ng ilaw sa loob. Kumakatawan ito sa isang bantay o tanod sa gabi o isang lalaking may bitbit na lampara.[1]

Mga sanggunian

  1. "Jack-o'-lantern". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa J, pahina 309.

Undas Ang lathalaing ito na tungkol sa Undas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.