Ang iskwirel, iskuwirel o ardilya (Ingles: squirrel)[1] ay isang uri ng mga daga na nanginginain ng mga butil tulad ng mani. Isa ito sa maraming mga maliit o hindi gaanong kalakihang mga dagang nasa pamilyang Sciuridae. Karaniwang tumutukoy ang mga ito sa mga kasapi sa saring Sciurus at Tamiasciurus, na tatlong mga iskwirel na may malalaking mga tila palumpong na mga buntot, at katutubo sa Asya, sa mga Amerika, at sa Europa. May katulad din na saring matatagpuan sa Aprika. Kabilang din sa mag-anak ng mga Sciuridae ang lumilipad na iskwirel, maging ang mga panlupang iskwirel na katulad ng mga chipmunk, aso ng parang, at woodchuck. Kung minsan, naipagkakamali ring tawaging "lumilipad na mga iskwirel na may makaliskis na buntot" ang mga miyembro ng pamilyang Anomaluridae bagaman hindi naman sila kalapit na kaugnay ng totoong mga iskwirel.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.