Inuyasha |
---|
|
Unang paglitaw |
"The Accursed Youth" (1996) |
---|
Nilikha ni |
Rumiko Takahashi |
---|
Binosesan ni |
|
---|
|
Species | Dog-Demon/Human |
---|
(Mga) asawa | Kagome Higurashi (asawa) |
---|
Mga anak | Moroha (anak) |
---|
Mga kamag-anak | - Toga (ama)
- Izayoi (ina)
- Sesshomaru (nakakatandang kalahating-kapatid)
|
---|
Si Inuyasha (犬夜叉, Inu aso + Yasha demonyo) ay ang pangunahing tauhan at pampamagat na bida sa seryeng manga at anime na Inuyasha ni Rumiko Takahashi. Binabantasan / ginagawang malaking titik sa maraming mga paraan ang kanyang pangalan: Inuyasha, Inu-Yasha, Inu-yasha, Inu Yasha, Inu yasha. Isa siyang kalahating-demonyo at kalahating-tao na mula sa panahon ng Sengoku ng bansang Hapon. Lumabas din si Inuyasha sa sumunod na seryeng anime lamang, ang Yashahime: Princess Half-Demon.
Impormasyon sa kanyang karakter
Si InuYasha ay kalahating tao, kalahating diablo at nakikipagtulungan siya kay Kagome na mahanap ang piraso ng banal na hiyas. Ginagawa ni InuYasha ang lahat ng paraan upang maging pinakamalakas at ganap na diablo. Pero lagi siyang pinapaalis ng landas ng kanyang kapatid na si Sesshoumaru.
Nakalibing ang ama ni InuYasha sa kanyang kanang mata. Tessaiga naman ang tawag sa espada ni InuYasha, na gawa sa kaliwang pangil niya. Nagiging mayabang minsan si InuYasha kay Kagome, pero dahil ito sa selos at masamang alaala ni InuYasha.
Konsepto at paglikha
Nang sinimulan ni Rumiko Takahashi ang serye, ang tanging ideya lamang niya ay ang pagselyado kay Inuyasha ni Kikyo at ang kanyang espada na naging isang alaala mula sa kanyang ama, at pagkatapos nito, inisip niya na gawin itong lingguhan.[1] Nagmula ang pangalan ni Inuyasha sa katotohanang na may lahi siyang aso (inu sa Hapones) at may bahaging yasha (espiritu ng kalikasan).[2]
Mga sanggunian