Ang Institut National des Sciences Appliquées de Lyon o INSA Lyon ay isang Grande École d'Ingénieurs ng Pransiya na isang institusyon sa mas mataas na edukasyon. Ang INSA Lyon ay niraranggong kabilang sa mga nangungunang unibersidad ng agham at teknolohiya sa Europa.[1]
Ang paaralan ay itinatag noong 1957 upang magsanay ng mga kwalipikadong inhinyero, sumuporta sa patuloy na edukasyon, at magsagawa ng pananaliksik. Ang limang-taon ang kurikulum ay naglalayong magsanay ng mga inhinyero na nagtataglay ng mga katangian at kasanayan sa mga pangunahing larang ng agham at inhenyeriya.
Mga sanggunian
45°46′53″N 4°52′20″E / 45.7814°N 4.8722°E / 45.7814; 4.8722
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.