Ang Indian Institute of Technology Guwahati (IIT Guwahati, IITG) ay isang pampublikong institusyon sa mas mataas na edukasyon na itinatag ng Gobyerno ng India, na matatagpuan sa Guwahati, sa estado ng Assam sa India. Ito ang ikaanim na Indian Institute of Technology (IIT) na itinatag sa bansa.
Ang IIT Guwahati ay opisyal na kinikilala bilang isang Institute of National Importance ng pamahalaan ng India.[1][2]
Ang kasaysayan ng IIT Guwahati ay mababakas sa 1985 Assam Accord[3] sa pagitan ng All Assam Students Union at ng pamahalaan ng India, na kung saan binabanggit ang pangkalahatang pagpapabuti sa mga pasilidad sa edukasyon sa Assam at ang partikular na pagtatatag ng isang IIT.