Ang Imperyong Latin o Imperyong Latin ng Constantinople (Orihinal na Latin: Imperium Romaniae, "Imperyo ng Romania"[1]) ang pangalang ibinigay ng mga historyan sa pyudal na estado ng nagkrusada na itinatag ng mga pinuno ng Ikaapat na Krusada sa mga lupain na nabihag mula sa Imperyong Byzantine. Ito ay itinatag pagkatapos ng pananakop ng mga nagkrusada sa Constantinople noong 1204 at tumagal hanggang 1261. Ito ay nilayon na pumalit sa titular na kahalili sa Imperyo Romano sa silangan na ang isang Silangang Romano Katolikong emperador ay inilagay sa trono sa lugar ng Silangang Ortodoksong mga emperador Romano. Si Baldwin IX, Konde ng Flanders ang kinoronahang unang emperador na Latin bilang Baldwin I noong 16 Mayo 1204. Ang imperyong Latin ay nabigong magkamit ng pananaig na pampolitika o ekonomiko sa ibang mga kapangyarihang Latin na itinatag sa dating mga teritoryong Byzantine sa kasunod ng Ikaapat na Krusada lalo na ang Venice. Pagkatapos ng isang maikling simulang panahon ng mga tagumpay na militar, ito ay patuloy na bumagsak. Sa kahinaan na dulot ng patuloy na digmaan sa mga Bulgarian at sa mga hindi nasakop na seksiyon ng Imperyo, ito ay kalaunang bumagsak nang muling sakupin ng mga Byzantine ang Constantinople sa ilalim ni Michael VIII Palaiologos noong 1261. Ang huling emperador na Latin na si Baldwin II ay ipinatapon ngunit ang titulong imperyal ay nagpatuloy ng may ilang mga nagpanggap hanggang sa ika-14 siglo CE.
Mga sanggunian
- ↑ On the long history of "Romania" as a territorial name for the Roman and (later) Byzantine empires, see R.L. Wolff, "Romania: The Latin Empire of Constantinople". In: Speculum, 23 (1948), pp. 1-34.