Ang Ilog Lobo (Ingles: Lobo River) ay isang ilog na matatagpuan sa munisipalidad ng Lobo sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Humigit-kumulang 23 kilometro ang haba nito at itinuturing na isa sa pinakamalinis na ilog sa bansa. Ang ilog ay nagsisimula sa Mount Lobo sa Rosario, [1] at pagkatapos ay umaagos sa Verde Island Passage.[2]
Ang ilog ay isang mahalagang pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon at pangingisda para sa mga taga-Lobo. Ang Lobo River ay madaling dinadaanan ng mga bangka.[3] Isang tulay sa ibabaw ng ilog ang nag-uugnay sa mga baybaying barangay ng Olo-olo, Lagadlarin, Sawang, Soloc at Malabrigo sa natitirang bahagi ng munisipalidad.[4]