Ang Ilog Niger (Pranses: (le) fleuve Niger, pagbigkas: [(lə) flœv niʒɛʁ]) ay ang pangunahing ilog ng Kanlurang Aprika, na umaabot ng mahigit-kumulang na 4,180 km (2,600 mi). May lawak na 2,117,700 km2 (817,600 mi kuw) ang kuwengka (basin)[6] nito.[7] Nasa Guinea Highlands ang pinagmulan nito, sa timog-silangang Guinea malapit sa hangganan ng Sierra Leone.[8][9] Dumadaloy ito nang pagasuklay sa pamamagitan ng Mali, Niger, sa hangganan ng Benin at pagkatapos, sa pamamagitan ng Nigeria, na lumalabas sa pamamagitan ng isang malaking delta, na kilala bilang ang Delta ng Niger[10] (o ang Oil Rivers), papunta sa Golpo ng Guinea sa Karagatang Atlantiko. Ang Niger ay ang ikatlong pinakamahabang ilog sa Aprika, na nalalampasan lamang ng Nilo at ng Ilog Congo (na kilala rin bilang Ilog Zaïre). Ang pangunahing sangang-ilog nito ay ang Ilog Benue.