Ang Ikonograpiya, bilang sangay ng kasaysayang pansining, ay isang pag-aaral ng pagkakakilanlan, paglalarawan at ang pagpapakahulugan ng nilalaman ng mga imahe: ang mga paksang inilalarawan, ang mga partikular na komposisyon at mga detalyeng ginamit upang gawin ito, at iba pang mga elemento na naiiba mula sa makasining istilo. Ang salitang ikonograpiya ay nagmula sa wikang Griyegongεἰκών ("imahe") at γράφειν ("sumulat" or "gumuhit").