1200 BC: Ang unang kabihasnan sa Gitna at Hilagang Amerika ay umunlad noong mga 1200 BC sa mga baybaying rehiyon ng katimugang bahagi ng Gulpo ng Mehiko. Kilala bilang ang kabihasnang Olmeka, ang mga naunang lugar ay nasa San Lorenzo.
1191 BC: Namatay si Menesteo, maalamat na Hari ng Atenas, noong Digmaang Troya pagkatapos naghari ng 23 taon at humalili ang kanyang pamangkin na si Demoponte, anak ni Teseo.
1180 BC: Natalo ang huling Haring Kasita na si Anllil-nadin-akhe ng mga Elamita
1180 BC: Pagguho ng kapangyarihang Heteo sa Anatolia sa pagkawasak ng kabiserang Hattusa.