Ang hominid ang taksonomikong pamilya ng mga primado na kinabibilangan ng mga tao, mga chimpanzee, mga bonobo, mga gorilya, at mga oranggutan.[1] Ito ay tinatawag ring mga dakilang mga bakulaw o malaking bakulaw upang itangi mula sa mas maliit na bakulaw(mga gibbon). Ang mga kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na mga hominido, hominidyo o hominid.
Dahil sa pagtitipong ito, kabilang sa Hominidae ang 4 na mga henera at 5 species. Nakahintil ang mga kasapi nitong hindi tao sa ekuwatoryal na Aprika, Sumatra at Borneo. Pumipetsa ang mga fossil ng hominidyo sa Mioseno at nakilalang mula sa Asya.
Nasasaklawan ng timbang ng mga hominidyo ang mula sa 48 kg hanggang 270 kg. Mas malalaki ang mga kalalakihan kesa mga kababaihan. Mga primado o primata ang mga hominidyo, na may matitipunong mga katawan at maunlad na mga bisig.
Kabilang din sa klasipikasyon ang mga ninuno ng pangkasalukuyang nabubuhay na mga uri.
Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas.[2][3][4]
Ang pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas.
Ang mga maagang primado ay lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species na lemur ng Madagascar, mga loris ng Timog Silangang Asya, mga galago ng Aprika, at mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng mga Lumang Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao.[5]
Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (Hominoidea at mga Lumang Daigdig na unggoy). [6] Ang mga hominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas.[7] Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 12-15 milyong taong nakakalipas.[8] Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas.[9] Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyang Pan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.[10][11] Pagkatapos ng paghihiwalay ng mga chimpanzee at tao, ang linyang tumutungo sa tao ay nag-ebolb tungo sa henus na Australopithecus noong mga 4 milyong taong nakakalipas. Ito ay nagpalitaw sa iba't ibang species gaya ng Australopithecus afarensis, A. africanus, A. anamensis, A. bahrelghazali, A. garhi at A. sediba. Noong mga 2 milyong taong nakakalipas, ang Australopithecus ay nag-ebolb tungo sa henus na Homo na nagpalitaw naman sa iba't ibang mga species gaya ng mga neanderthal at mga tao.
↑Kordos L, Begun D R (2001). "Primates from Rudabánya: allocation of specimens to individuals, sex and age categories". J. Hum. Evol. 40 (1): 17–39. doi:10.1006/jhev.2000.0437. PMID11139358.