Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR)[1], Pamahalaang Lalawigan ng Rizal at Pamahalaang Panglungsod ng Antipolo[2]. Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na panturismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, inihayag bilang isang Pambansang Dambanang Makasaysayan ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 6964.[3] Noong 2000, idineklara ang Hinulugang Taktak bilang isa sa mga protektadong tanawain ng Pilipinas alinsunod sa Batas Republika Blg. 7586.[4]
Ang tubig ng talon ay madumi at hindi na angkop para paliguan[5] Ngunit marami sa Lokal at Pambansang Pamahalaan ay kumikilos para mailigtas ang natural nitong kagandahan at sinisikap para mapangalagaan ang itaas na bahagi nito para gawing liwasan,at hindi para maabuso at pagtapunan ng dumi.