Si Henry Hudson (ipinanganak noong dekada ng 1560 o dekada ng 1570) ay isang Ingles na eksplorador ng dagat at nabigador noong kaagahan ng ika-17 daantaon.[1]
Natuklasan ni Hudson ang kipot at malawak na look noong kaniyang panghuling ekspedisyon habang hinahanap ang Lagusang Hilaga-kanluran. Noong 1611, pagkaraan ng pagpapalipas ng panahon ng taglamig sa baybayin ng Look James, ninais ni Hudson na magpatuloy pa papunta sa kanluran, subalit ang karamihan sa kaniyang mga tauhan ay nanghimagsik. Iniwananginaanod ng tubig ng mga mutinero (manghihimagsik) sina Hudson, ang kaniyang anak na lalaki at 7 iba pa;[3] ang mga Hudson, at ang mga itinapon at pinabayaan ay hindi na muling nakita pa.