Henri Giffard

Si Henri Giffard.
Ang dirihibleng Giffard, na nilikha ni Henri Giffard noong 1852.

Si Baptiste Henri Jacques Giffard o Henri Jules Giffard (8 Pebrero 1825 – 14 Abril 1882) ay isang inhinyerong Pranses. Noong 1852, naimbento niya ang panturok ng singaw (steam injector o "inhektor ng singaw") at ang may lakas na barkong may hangin (airship) o barkong panghimpapawid (barkong may hangin sa loob) na pinapaandar ng makinang pinasisingawan na may timbang na mahigit sa 180 kg (400 lb); ito ang unang airship, na nakikilala noon bilang isang "dirihible" (literal na "maaaring pamahalaan", tinatawag na Giffard dirigible) na nakapaglululan ng mga pasahero.[1] Ang dirihible ni Giffard ay kapwa praktikal at namamaneobra, puno ng hidroheno, at mayroong isang makinang pinasisingawan (steam engine) na 3 hp na nagpapagana sa isang tagabunsod (elisi). Ang singaw na ibinubuga palabas (exhaust steam) ay hinahaluan ng mga gas na pangkombustiyon (pangsunog) at inasahan na sa ganitong paraan ay mapahinto ang pagkisap na umaakyat pataas sa bag ng gas; nagluklok din siya ng isang patindig na timon (ugit).

Noong 24 Setyembre 1852, ginawa ni Giffard ang unang may makina at kontroladong paglipad na naglakbay nang 27 km mula sa Paris hanggang sa Trappes.[2] Napakalakas ng hangin upang mapahintulutan siya na makapagbigay ng daan laban dito, kung kaya't hindi niya nagawang makabalik sa pinagsimulan.[2] Subalit, nagawa niyang makagawa ng mga pagliko at ng mga pag-ikot,[kailangan ng sanggunian] na nagpapatunay na ang may makinang barkong panghimpapawid (may hangin sa loob) ay maaaring imaneho at kontrolin.

Nabigyan si Giffard ng isang patente para sa inhektor noong 8 Mayo 1858. Sa hindi pangkaraniwan, masinop niyang napag-alaman ang teoriya ng imbensiyong ito bago gumawa ng anumang instrumentong pang-eksperimento, na naipaliwanag ang ideya noong 1850. Ang ibang mga tao ay nag-ukol ng pansin sa paggamit ng mga jet o mga pampasirit, partikular na si Eugene Bourdon na nagpatente ng isang napaka kahalintulad na aparato noong 1857.[3]

Noong 1863, itinalaga siya bilang Chevalier o Kabalyero ng Légion d'honneur (Lehiyon ng Karangalan).[4]

Kamatayan at pag-alala

Bilang pagtugon sa kaniyang lumalabo nang paningin, nagpakamatay si Giffard noong 1882,[4] na iniiwan ang kaniyang mga ari-arian at lupain para sa bansa para sa mga layuning makatao at pang-agham. Ang pangalan niya ay isa sa 72 mga pangalan na nasa ibabaw ng Toreng Eiffel.

Galeriya

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Jules Henri Giffard, inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-01, nakuha noong 2009-05-09
  2. 2.0 2.1 Science Museum - Home - The Giffard Airship, 1852., Science Museum, inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-06, nakuha noong 2009-05-09
  3. Kneass, Strickland L. (2004) [1894], Practice and Theory of the Injector, New York: Wiley, ISBN 1-55918-306-3
  4. 4.0 4.1 Day, Lance; McNeil, Ian (1996), "Giffard, Baptiste Henri Jacques (Henri)", Biographical Dictionary of the History of Technology, Taylor & Francis, pp. 285–286, ISBN 978-0-415-06042-4, nakuha noong Hunyo 24, 2009

Mga kawing na panlabas