Sa isang hindi mabungang lugar, naglakbay sina Tochiro, Harlock at Sinunora sa Gun Frontier. Nagpunta sa Amerika sa Kanlurang Frontier ang pirata ng dagat na si Captain Harlock at ang manlalakbay na samurai na si Tochiro. Kasama ang isang misteryosong babae na nakilala nila habang naglalakbay, hinamon ng dalawang magkaibigan ang mga pangkat ng mga prostitusyon, mga tulisan, at tiwaling syerip. Hinahanap nila ang isang nawawalang pangkat ng mga imigranteng Hapon, at kanilang unti-unting wawasakin ang Gun Frontier hanggang mahanap nila ito.