Greg Laconsay

Greg Laconsay
Kapanganakan12 Marso 1931
MamamayanPilipinas
Trabahomanunulat

Si Gregorio “Greg” C. Laconsay (ipinanganak noong 12 Marso 1931) ay isang Ilokanong patnugot at manunulat sa Pilipinas.[1]

Personal na buhay

Isinilang si Greg Laconsay sa Natividad, Pangasinan.[1]

Sa larangan ng panitikan

Noong 1966, isa siyang punong-patnugot ng magasing Bannawag[2]. Naging asistenteng-direktor na pang-editoryal siya ng Liwayway Publishing, Inc., at nang lumaon ay naging ganap na direktor pang-editoryal ng buong palimbagan ng Liwayway nang sumapit ang 1977. Nagretiro siya noong 1991. Tumanggap siya ng dalawampu't pitong mga pangunahing gantimpala at pagkilala mula sa mga samahan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.[1] Naging kasapi rin siya sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).[3]

Mga katha

Mga talahuluganan

  • Iluko-English-Tagalog Dictionary (1993)[4]
  • Simplified Iluko Grammar (2005)

Mga nobelang Ilokano

  • Ti Kabusor (1974)
  • Ti Love Story ni Theresa (1971)
  • Nalagda a Cari (1951)
  • Rebelde (1957)
  • Villa Verde (1959)
  • Sacramento (1960)
  • Purisima Concepcion (1961)
  • Kadena Perpetua (1961)
  • Kasimpungalan (1962)
  • Rupanrupa (1963)
  • Ti Ubing nga Agpateg iti Sangapirgis a Papel (1964)
  • Dawel (1964)
  • Littik (1965)
  • Samuel (1966)
  • Dagiti Agtawid (1967)
  • Ti Biddut (1968)
  • Nympho (1971)

Mga aklat na pansariling-buhay

  • Lalake at Babae (1974)
  • Sex Education sa Modernong Lalaki at Babae (1986)
  • Panalo Ka! (1990)
  • My Sexpert Opinion (1984)

Mga sanggunian