Green Hornet

The Green Hornet
Si Van Williams bilang Green Hornet noong 1966
Impormasyon ng paglalathala
Unang paglabasThe Green Hornet na palatuntunan sa radyo (31 Enero 1936)
TagapaglikhaGeorge W. Trendle
Fran Striker
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanBritt Reid
KakampiKato
Kakayahan
  • Henyong-antas ng katalinuhan
  • Dalubhasang tiktik
  • Sanay sa mano-manong labanan

Si Green Hornet ay isang kathang-isip na karakter na nakamaskarang lumalaban sa krimen na nilikha noong 1936 nina George W. Trendle at Fran Striker, na may ambag mula sa direktor sa radyo na si James Jewell. Simula noong una siyang lumabas sa radyo noong dekada 1930, lumabas ang karakter sa iba't ibang mga seryeng drama sa maraming uri ng midya. Lumabas si Green Hornet sa mga seryeng pampelikula noong dekada 1940, sa isang palabas sa telebisyon noong dekada 1960, sa maraming seryeng komiks mula noong dekada 1940,[1] at sa isang tinampok na pelikula noong Enero 2011, Ang prangkisa ay pagmamay-ari ng Green Hornet, Inc., na nililisenya ang pagmamay-ari sa kabuuan ng iba't ibang uri ng midya na kabilang ang komiks, pelikula, palabas sa telebisyon, radyo at aklat. Simula noong 2010, nakalisensya ang karapatan sa paglathala sa komiks sa Dynamite Entertainment.[2]

Mga sanggunian

  1. Marx, Andy (12 Hulyo 1992). "A look inside Hollywood and the movies - Beyond Batman - The Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz: Eddie Murphy as the Green Hornet". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-01. Nakuha noong 2010-12-07. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  2. "The Official Website of The Green Hornet" (sa wikang Ingles). The Green Hornet, Inc. Nakuha noong 15 Agosto 2014.