Golpo ng Lingayen

Golpo ng Lingayen
LokasyonIlocos Region, Pilipinas
Pinakahaba55 km (34 mi)
Pinakalapad35 km (22 mi)
Mga islaHundred Islands National Park

Ang Golpo ng Lingayen ay karugtong ng Dagat Kanlurang Pilipinas sa Luzon sa Pilipinas, na may habang 56 km (35 mi). Napapalibutan ito ng mga lalawigan ng Pangasinan at La Union.

Heograpiya

Ang Hundred Islands National Park

Maraming mga pulo sa golpo, ang pinakasikat ay ang Hundred Islands National Park na kinatatampukan ng 123 mga pulo, na karamihan ay maliliit. Ang Pulo ng Cabarruyan ang pinakamalaking pulo, kung saan matatagpuan ang bayan ng Anda, Pangasinan, na sinundan ng Pulo ng Santiago sa bukana ng Golpo.

Matatagpuan sa baybayin ng Golpo ang mga lungsod gaya ng Dagupan at Alaminos sa Pangasinan, at ang lungsod ng San Fernando, La Union. Matatagpuan din sa baybayin ang kabisera ng Pangasinan, ang bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ekonomiya

Pangingisda at paggawa ng asin ang pangunahing industriya sa Golpo ng Lingayen, sa katunayan, ang pangalang Pangasinan ay nangangahulugang "pook kung saan ginagawa ang asin".