Malaking tulong po kung mapapabuti niyo po ito sa pamamagitan po ng pagdagdag ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad pong tatanggalin ang mga impormasyong walang kaakibat na sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni, lalo na po kung mapanirang-puri po ito.Binigay na dahilan:wala
Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong 19 Hulyo 1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay na aktres sa Pilipinas.
Mula sa kanyang pagkapanalo, limang taon muna ang nakalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975. Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.
Kapanganakan
Ipinanganak sa Ilokos at kabilang sa 12 na anak nina Jaime Diaz at Teresa Aspillera. Si Rio Diaz na isa sa kanyang mga kapatid ay naging isa ring artista at minsan na ring lumaban sa patimpalak nang pagandahan. Nagkaroon ito ng kanser sa kolon at namatay matapos ang kanyang paglaban sa sakit.
Sa kasalukuyan, mayroong dalawang anak na babae si Gloria Diaz kay Bong Daza na sina Isabelle Daza na isang sikat na aktres at si Ava Daza. Mayroon din silang kinupkop na lalaki na si Raphael at mayroon na silang dalawang apo dito.
Miss Universe 1969
Noong 19 Hulyo 1969, itinanghal si Gloria Diaz bilang kauna-unahang babaeng Pilipina na nagwagi at tanghaling Miss Universe. Ito'y ipinasa sa kanya ni Martha Vasconcellos ng Brasil, Miss Universe 1968. Ito'y ginanap sa Miami Beach Auditorium, Miami Beach, Florida, Estados Unidos na nilahukan ng 61 na kandidata mula sa iba't ibang panig ng daigdig.