Geminiano de Ocampo

Geminiano de Ocampo
Kapanganakan16 Setyembre 1907[1]
Kamatayan2 Setyembre 1987[1]
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas
Trabahosiyentipiko

Si Dr. Germiano T. De Ocampo (Setyembre 16, 1907 – 1987) ay kilala bilang kauna-unahang nakapagpatayo ng ospital para sa mata sa Pilipinas. Siya ang nagtatag ng Philippine Eye Research Institute at Philippine Opthalmological Society at ang De Ocampo Eye Hospital na dalubhasa sa mga sakit sa mata. Siya rin ang imbentor at nagdesenyo ng Cornea Dissector at kauna-unahang nagsagawa ng Cornea Transplant sa Pilipinas. Sa kanyang mahalagang kontribusyon, siya ay pinarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1982.

Isinilang si Geminiano sa Malolos, Bulacan noong Setyembre 16, 1907. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1932.

Ang De Ocampo Corneal Dissector ay naimbento niya taong 1956. Isinulong din niya ang pagpapasa at pagbabago sa Batas Republika (Republic Act) Bilang 349 kung saan ang mga tao ay inaaanyayahan na mag-donate ng mga eyeballs para sa cornea transplant.


AghamPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 Geminiano T. de Ocampo, Wikidata Q130599739