Ang gatas ng inahing manok o eggnog, binabaybay ding egg nog sa Ingles (Pranses: lait de poule, literal na "gatas ng [inahing] manok"; Kastila: ponche de huevo, literal na "inuming panundol o pambutas na may itlog"; Katalan: llet de gallina, literal na "gatas mula sa [inahing] manok") ay isang uri ng produktong gawa sa gatas at maaaring may alak o serbesang hinaluan ng binating itlog ng manok[1] na sinangkapan din ng krema, asukal, at pinaglasa ng kanela at moskada. Hindi lahat ng ganitong inumin ay may alak o serbesa, o alkoholiko. Tanyag na inumin ito sa Estados Unidos at Canada, at kalimitang inumin tuwing may pagdiriwang o pagsasalu-salong nagaganap sa taglamig o tagniyebe, katulad ng Pasko at Bagong Taon.