Ang Galliate ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Novara, rehiyon ng Piamonte, Hilagang Italya, na matatagpuan mga 90 kilometro (56 mi) hilagang-silangan ng Turin, mga 40 kilometro (25 mi) hilagang-kanluran ng Milan at mga 7 kilometro (4 mi) hilagang-silangan ng Novara.
Ang teritoryo ng komuna ay kasama sa Liwasang Likas ng Ilog Ticino.
Heograpiyang pisikal
Humigit-kumulang 7 km ang Galliate mula sa sentro ng Novara. Mula sa huling gusali sa Galliate hanggang sa unang gusali sa Pernate (isang nayon ng Novara), may mga 400/500 metro lamang. Ito ay humigit-kumulang 45 km mula sa Milan at 100 km mula sa Turin.