Fraxinus

Fraxinus
Fraxinus ornus
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Lamiales
Pamilya: Oleaceae
Subtribo: Fraxininae
Sari: Fraxinus
L.[1]
Espesye o Uri

silipin ang teksto

Ang Fraxinus (bigkas: /frak-si-nus/) ay isang sari ng halamang namumulaklak na nasa pamilyang Oleaceae, na kasama ng mga oliba at ng mga lilak. Binubuo ito ng 45 hanggang 65 na mga espesye ng hindi kalakihan at malalaking mga puno na karamihang naglalagas ng mga dahon bagaman may mangilan-ngilang mga espesyeng subtropikal na palagiang lunti ang mga dahon. Tinatawag din itong punong abo, na nagmula sa karaniwang pangalan nito sa Ingles na ash tree o ash lamang. Ang katawagang ito sa Ingles ay nagbuhat pa sa Matandang Ingles na æsc, samantalang ang pangalang heneriko ay nagmula sa Latin. Ang mga salitang ito ay kapwa may kahulugang "sibat" sa kani-kanilang mga wika,[2] kaya't mas angkop na matatawag bilang punong sibat o puno ng sibat. Ang mga dahon ay baligtaran ang kaayusan (bihira ang pagbilot na tatluhan), at karamihan ay masalimuot na pinado, na mailalarawan din bilang parang suklay ang pagkakaayos (pektinado), na maaaring payak sa ibang mga espesye. Ang mga buto, na tinatawag na mga "susi" o mga "susing helikopter", ay isang uri ng bunga na nakikilala bilang samara. Ang mga Rowan o Pambundok na mga Punong Abo (Mountain Ash sa Ingles) ay walang kaugnayan sa totoong mga punong abo at kabilang sa saring Sorbus bagaman ang mga dahon at ang mga buko (sibol o usbong) ay panlabas o pang-ibaba na kahalintulad.

Mga sanggunian

  1. "Fraxinus L." Germplasm Resources Information Network. United States Department of Agriculture. 2006-04-03. Nakuha noong 2010-02-22.
  2. J. P. Mallory, Douglas Q. Adams, pat. (1997). Encyclopedia of Indo-European culture. Taylor & Francis. p. 32. ISBN 9781884964985.

Puno Ang lathalaing ito na tungkol sa Puno ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.