Si Franz Kafka (3 Hulyo 1883 – 3 Hunyo 1924) ay isa sa pangunahing manunulat ng akdang kathang-isip noong ika-20 daang taon. Ipinanganak siya sa isang mag-anak na nasa panggitnang antas ng lipunan. Nagsasalita ang kanyang pamilyang Hudyo ng wikang Aleman sa Praga, Bohemia (kasalukuyang Republikang Tseko), Austria–Unggarya. Itinuturing ang kanyang natatanging katawan ng mga sulatin bilang isa sa pinakamaimpluwensiya sa Kanluraning panitikan, bagaman karamihan sa mga ito ay hindi natapos ang pagkakagawa.[3]