Ang Filioque (Lating Pansimbahan: [filiˈɔkwe]), Latin para sa "at (mula) sa Anak" ay isang parirala na matatagpuan sa anyo ng Kredong Niceno na ginagamit sa karamihan ng mga simbahan ng Kristiyanismong Kanluranin. Ito ay hindi matatagpuan sa tekstong Griyego ng Kredong Niceno na orihinal na pinormula sa Unang Konseho ng Constantinople na nagsasaad lamang na ang Banal na Espirito ay nagmumula "mula sa Ama". Ang idinagdag na Filioque sa tekstong Latin ay nagsasaad na ang Banal na Espirito ay nagmumula "mula sa Ama at sa Anak":
- Et in Spiritum Sanctum, Dominum, et vivificantem: qui ex Patre Filioque procedit
- (At sa Banal na Espirito, ang Panginoon, ang nagbibigay ng buhay, na nagmumula mula sa Ama at sa Anak).
Kasama ng primasiya ng papang Romano, ang mga pagkakaiba sa doktrinang Filioque ang naging at nananatiling pangunahing mga sanhi ng dakilang Paghahati sa pagitan ng mga Simbahang Silanganin at Simbahang Kanluranin.[1][2] [3] Ang pagdaragdag ng Filioque sa Kredong Niceno-Constantinopolitano ay kindonena bilang eretikal ng maraming mga ama at santo ng Simbahang Silangang Ortodokso kabilang si Photios I ng Constantinople, Gregory Palamas at Marcos ng Efeso na minsang tinutukoy bilang ang Tatlong mga Haligi ng Ortodoksiya.
Mga sanggunian