Fernando María Guerrero

Fernando Ma. Guerrero
Larawan mula sa inilathalang publikasyon ng "The Filipino Teacher" noong 1907
Kapanganakan30 Mayo 1873
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan12 Hunyo 1929
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang Ateneo de Manila
Unibersidad ng Santo Tomas
Trabahopolitiko, mamamahayag, abogado, manunulat, makatà
AnakEvangelina Guerrero Entrala

Si Fernando María Guerrero (1873-1929) ay isa sa pinakamagiting na mga Pilipinong makata, tagapamahayag, politiko, abogado, poliglota at guro sa ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas, isang panahong mula 1890 magpahanggang sa pagsabog ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1]

Talambuhay

Nagsulat si Guerrero noong mga taon ng 1898 hanggang 1900. Bilang abogado at guro, nagturo siya ng abogasya (natural law), kriminolohiya at oratoryong forensik (forensic oratory). Nagsilbi siya bilang tagapamahala (chairman) ng lupon ng mga tagapagsubok (board of examiners) sa paaralan ng abogasyang La Jurisprudencia. Naging konsehal siya ng Maynila, Sekretaryo ng Senado at Sekretaryo ng Komisyon sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging direktor din siya ng Academia de Leyes (Akademya ng mga Batas). Bukod sa wikang Kastila, nakapagsasalita rin si Guerrero ng Latin at Griyego. Minsan siyang naging editor ng El Renacimiento, La Vanguardia at La Opinion (Ang Opinyon). Naging miyembro siya ng Unang Asemblea ng Pilipinas, ng Academia Filipina at napili para Lupon ng Munisipyo ng Maynila (Municipal Board of Manila). Naging tagapagbalita rin siya para samahang Real Española de Madrid. Ang kaniyang mga aklat ng mga tula sa wikang Kastila, na pinamagatang Crisalidas, ay nailathala noong 1914, na ibinibilang ng Enciclopedia Filipinas sa isa sa sampung pinakamahuhusay na aklat na nasusulat hinggil sa Pilipinas. Ang iba niyang mga tula na isinulat matapos ang 1914 ay lumabas sa isang kompilasyong pinamagatang Aves y Flores (Mga Ibon at Mga Bulaklak). Namatay si Guerrero noong 12 Hunyo 1929, kasabay ng anibersayo ng Republika ng Pilipinas nang taong yaon. Bilang parangal, ipinangalan kay Guerrero ang isang paaralan sa Malate, Maynila.[1]

Ang tula ni Guerrero

Ang orihinal sa wikang Kastila

A Hispania

Oh, noble Hispania!
es para ti mi canción,
canción que viene de lejos
como eco de antiguo amor,
temblorosa, palpitante
y olorosa a tradición
para abrir sus alas cándidas
bajo el oro de aquel sol
que nos metiste en el alma
con el fuego de tu voz
y a cuya lumbre, montando,
clavileños de ilusión,
mi raza adoró la gloria
del bello idioma español,
que parlan aún los Quijotes
de esta malaya región,
donde quieren nuevos Sanchos,

que parlemos en sajón.[2]

Salin sa wikang Tagalog

Para sa Espanya

O, kalugud-lugod na Espanya!
Ang awiting ito ay para sa iyo
Isang awiting nagmula sa kalayuan
Katulad ng isang matandang pag-ibig
Nanginginig, tumitibok
May bango ng tradisyon
Upang mabuksan ang iyong mga makatotohanang pakpak
Sa ilam ng ginintuang kulay ng iyong araw
Na aming inilagak sa aming mga kaluluwa
Na may kasamang apoy ng iyong tinig
Kung saan ang liwanag ay nakasakay
Ang mga susi ng pagasa,
Hinahangaan ng aking lipi ang magiting
Na kagandan ng iyong wikang Kastila
Na sinasalita din ng mga Quijote
Na nagmula rito sa Malayang rehiyon,
Kung saan hinihintay at inaasahan ang mga Bagong Sancho

Imbis na mga tagapag-salita ng wikang Sahon.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Fernando Ma. Guerrero (1873-1929), Filipinos in History (Mga Pilipino sa Kasaysayan), Vol. 1, mga dahon 218-221, National Historical Institute and Comcentrum.ph, 1989 Naka-arkibo 2003-05-08 sa Wayback Machine., isinangguni noong: 13 Hunyo 2003
  2. Farolan, Edmundo (Director). Philippine Spanish, Philippine Poetry, La revista, Tomo 1 Número 7, Julio 1997 and AOL.com, retrieved on: 10 June 2007

Revista Filipina [1]

  1. http://revista.carayanpress.com/page45/index.html