Si Felipe II ng Macedonia o Filipo II ng Macedonia (Griyego: Φίλιππος Β' ο Μακεδών — φίλος = kaibigan + ίππος = kabayo — pagsasatitik: Philippos (tulong·kabatiran) tala: mula sa makabagong bigkas[2]) ay isang hari ng Imperyo ng Macedonia. Tinatawag na basileus ang mga sinaunang hari ng Macedonia. Naghari siya mula 359 BK hanggang 336 BK. Noong 336 BK, pinatay siya sa pamamagitan ng asasenasyon.[3]
Siya ang ama ng emperador na si Alejandro ang Dakila, na ipinanganak noong 356 BK. Siya ang naging sanhi ng pagkakaisa ng lahat ng Gresya. Isinanib niya ang isang estadong-lungsod sa kaniyang imperyo sa pamamagitan ng kaniyang militar o kakausapin niya o susuhulan ang mga pinuno nito upang sumali sa kaniyang imperyo. Sa ilalim ng kaniyang paghahari noong 338 BK sa Digmaan ng Chaerona laban sa Athens nang unang maipakita ni Alejandro ang kaniyang pagiging maalam sa estratehiyang pangmilitar. Siya rin ama ni Felipe III ng Macedonia at pinaniniwalaang pati ni Ptolemy I Soter, ang tagapagtatag ng Dinastiyang Ptolemayiko sa Ptolemayikong Ehipto.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.