Federal Reserve System

Federal Reserve System
Sagisag Punong Tanggapan ng Federal Reserve System (Eccles Building)
Sagisag Punong Tanggapan ng Federal Reserve System (Eccles Building)
Mga himpilan Washington, D.C.
Itinatag Disyembre 23, 1913
Bangko Sentral ng  Estados Unidos
Pananalapi US Dollar
Kodigong ISO 4217 USD
Website federalreserve.gov

Ang Federal Reserve System /fe·de·ral ri·sérv sís·tem/ (kilala rin na Federal Reserve, o Fed) (sa Filipino "Sistema ng Reserbang Pederal") sa orihinal katawagan sa Ingles ay ang nagsisilbing bangko sentral ng Estados Unidos. Itinatag ito noong Disyembre 23, 1913 sa bisa ng Federal Reserve Act, bilang pagtugon na rin sa serye ng krisis pampinansiyal lalo na ang malubhang Krisis Pinansiyal ng 1907. Sa mga nagdaang panahon, lumawig ang ginagampanang papel at responsibilidad ng Federal Reserve System pati na rin ang pag-ibayo ng estruktura ng tanggapang ito.[1] Ang mga kaganapan gaya ng Great Depression ay mga pangunahing dahilan ng pagbabago sa sistema. Ang mga tungkulin nito sa ngayon, ayon sa opisyal na dokumento ng Federal Reserve, ay upang pangasiwaan, pamunuan, bantayan ang mga bangko, mapanatili ang katatagan ng sistemang pampinansiyal at magkaloob ng serbisyo sa mga institusyong pinagdedeposituhan, ng pamahalaan ng Estados Unidos at mga dayuhang institution.

Sanggunian

  1. BoG 2005, pp. 1 "It was founded by Congress in 1913 to provide the nation with a safer, more flexible, and more stable monetary and financial system. Over the years, its role in banking and the economy has expanded."