Estasyon ng Guadalupe (PNR)

Guadalupe
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBrgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong
Pilipinas
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas (dating Kompanyang Daambakal ng Maynila)
Linya     Linyang Guadalupe (dating bahagi ng Linyang Antipolo)
Plataporma1
Riles1
Koneksiyon Maria Clara Ferryboat
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa Lupa
Ibang impormasyon
KodigoUPE
Kasaysayan
NagbukasAbril 28, 1927 (flag stop)
Nagsara1982
Muling itinayo1974
Dating pangalanBarangka
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
  Dating Serbisyo  
patungong Tutuban
Metro Manila Commuter
Guadalupe Line
Hangganan
  Dating Serbisyo (bilang Barangka)  
patungong Tutuban
Taytay Line
(Flag Stop)
patungong Taytay

Ang estasyong daangbakal ng Guadalupe ay isang dating estasyon sa Linyang Guadalupe (Guadalupe Line o "PNR East Line") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR). Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, ang estasyon na ito ay nasa lupa (at grade). Matatagpuan ang estasyon sa Barangka Ilaya, Mandaluyong malapit sa EDSA sa tabi ng Ilog Pasig ay nakakonekta sa Pasig Ferry.

Kasaysayan

Ang estasyon ay binuksan noong Abril 28, 1927 bilang Barangka na isang flag stop na naglilingkod sa bahagi ng Maynila-Taytay sa Linyang Antipolo, gayundin sa Linyang Montalban. Ang mga serbisyo ng pasahero ay tumigil noong 1941 matapos ang linya ay ginamit bilang isang dumpsite para sa mga tren na nawasak.

Nang magsimula ang linya ng operasyon noong 1949, ang mga serbisyo ay hindi nakarating sa Guadalupe hanggang 1974, ang operasyon na ito ay ipinagpatuloy hanggang sa pagbagsak ng tulay sa ilog ng San Juan noong 1982. Sa panahon ni General Manager Pete Nicomedes Prado, may isang panukala ng muling pagbabalik at pagpapalawak ng linyang ito hanggang sa Pasig ngunit hindi ito pinatuloy.

Kasalukyang kalagayan

Sa mga maraming taon ng nakalipas, ang estasyon ay naging isang basketball court kung saan na ito ay isang palatandaan na nakatayo parin na wala na ang riles.

Tignan din