Ang Estasyong GMA–Kamuning o Himpilang GMA–Kamuning, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Project Areas ng Lungsod Quezon. Bagamat mas malapit sa mga Abenida Timog at Silangan, ipinangalan ito sa GMA Network Center at Daang Kamuning na ilang dipa ang layo mula sa himpilan.
Nagsisilbi bilang panlabing-isang himpilan ang GMA–Kamuning para sa mga treng MRT-3 na patungo sa Abenida North at bilang pangatlong himpilan para sa mga treng patungo sa Abenida Taft.
Mga kawing pangpanlalakbay
May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon.
Balangkas ng estasyon
-
Isang tren habang nasa estasyon
-
Riles ng tren mula sa estasyon
-
Batalan ng estasyon
-
Tanawin ng mga gusali sa Kamuning