Ang Estasyon ng Emerald o Himpilang Emerald ay isa sa mga pinaplanong dagdag na himpilan sa silangan sa Linyang Bughaw ng sistemang Magaan na Riles Pantawid ng Maynila (MRT-2). Kapag ito ay naitayo, ito ang nag-iisang himpilan sa linya na nasa Lungsod ng Pasig. Magsisilbi ang himpilan para sa Lungsod ng Pasig at ipinangalan mula sa Kalsadang Emerald.
Magsisilbi ang himpilang Emerald bilang panlabing-dalawang himpilan para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Masinag at bilang ikalawang himpilan para sa mga treng patungo sa Recto o sa hinaharap ay patungong Pier 4.
Mga kawing panlabas