Ang estasyong Dagupan ay isang dating estasyon sa Linyang Pahilaga (Northrail) ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas sa Dagupan, Pangasinan.
Kasaysayan
Binuksan ang estasyong Dagupan noong Nobyembre 24, 1892 bilang hilagang dulo ng noo'y Daambakal ng Maynila-Dagupan.
Isang bagong estasyon na gawa sa mga dinurog na bato ay itinayo malapit sa kasalukuyang PNR Court noong panahon ng pagdurugtong ng linya sa La Union.
Kasalukuyang kalagayan
Bagaman napabayaan ang linya mga ilang taon na ang nakalilipas, kapuwa nakatayo pa rin hanggang ngayon ang mga dalawang gusali ng estasyon. Ang lugar ng plataporma ng unang estasyon ay kasalukuyang ginagamit bilang tambakan ng basura.
Tingnan din
Coordinates needed: you can help!